Institute of Southeast Asian Studies
Sun Yat-sen University
volume 10
english japanese chinese indonesian


NEWS


Ang Institute of Southeast Asian Studies ng Sun Yat-sen University ay isa sa mga unang institusyong pampananaliksik sa Tsina na itinatag para sa araling Timog-silangang Asyano at aralin sa Tsino sa ibayong-dagat. Nagsimula ito noong 1959 bilang bahagi ng Departamento ng Kasaysayan. Pinalawak ito sa isang nagsasariling organisasyong akademiko ng unibersidad noong 1978 at, sa ngayon, ay nakapailalim sa School of Asia-Pacific Studies ng unibersidad.
Ang mga gawaing pampananaliksik ng Instityut ay nakatuon sa apat na larangan: kasaysayan ng mga bansang Timog-silangang Asyano at ang kanilang relasyon sa Tsina, kasalukuyang relasyong pulitikal at pang-seguridad sa Timog-silangang Asya at sa Asya-Pasipiko, mga pagbabagong pang-ekonomya at kultural sa rehiyon, at mga usapin ng etnikong Tsino.
Sa nakaraang ilang taon, nakatapos ang Instityut ng ilang mga proyektong pampananaliksik at naglathala ng apatnapung aklat, monograpo at salin, na kinabibilangan ng: Modern History of Southeast Asia, Modern History of Sino-Southeast Asia Relations, History of Ethnic Chinese in Southeast Asia After World War II, Southeast Asian Religions and their Political Impacts, ASEAN Foreign Relations, Contemporary Politics and Diplomacy in Southeast Asia, Cooperation between China and Southeast Asia on Regional Governance na kinikilala bilang mga pag-aaral na may mataas na kalidad.
Ang Instityut ay may pahintulot mula sa Ministro ng Edukasyon para mag-alok ng programa ng pagsasanay sa antas pang-doktorado sa larangan ng Kasaysayan ng Daigdig at programa ng pagsasanay sa antas pang-masterado sa larangan ng Relasyong Internasyunal. Nagpapapasok ito ng mga masterado at doktoradong estudyante taun-taon para mag-aral ng kasaysayan ng Timog-silangang Asya, kasaysayan ng relasyon sa pagitan ng Tsina at Timog-silangang Asya, kasalukuyang relasyong pulitikal at pang-seguridad sa Timog-silangang Asya at ang mga etnikong Tsino sa Timog-silangang Asya. Ang mga nakapagtapos ng kolehiyo sa Taiwan, Hong Kong, Macao at iba pang mga bansa ay maaari ring pumasok sa mga programa ng pagsasanay.
Ang Instityut ay may sariling aklatan na naglalaman ng mahigit 12,000 aklat at maraming pahayagan at peryodiko hinggil sa mga larangan ng pag-aaral. Mayroon din itong pasilidad para sa computer data at Internet.
Ang Instityut ay mayroong malawak na pang-akademikong pagpapalitan at pakikipagtulungan sa maraming unibersidad at institusyong pampananaliksik na katulad nito ang interes, tungo sa pagsusulong ng mas mahusay na pagkakaintindihan at relasyon sa pagitan ng Tsina at mga karatig-bansa. Kasama rito ang pakikipagpalitan ng mga iskolar, aklat at dokumento, impormasyong pampananaliksik at pakikipagtulungan sa paglunsad ng mga internasyunal na kumperensya. Kabilang sa mga kumperensyang inilunsad ng Instityut ang International Relations of the Asia Pacific Region After 9.11 (2002) at The Asia Beyond Cold War (2007).
Kabilang sa mga institusyon sa ibayong-dagat na may malapit na relasyong pang-akademiko sa Instityut ang: American Ethnic Chinese History Society, Griffith University of Australia, National University of Singapore, Institute of Southeast Asian Studies of Singapore, East Asian Institute of Singapore, Nanyang Society of Singapore, Institute of Asian Studies ng Chulalongkorn University, Institute of East Asian Studies ng Thammasat University, Asian Center ng University of the Philippines, National Center for Social and Human Sciences of Vietnam, at Vietnam National University.
Ang mga gawaing pang-akademiko ng Instityut ay tumanggap din ng suportang pinansyal mula sa Fulbright Foundation, Ford Foundation, Lingnan Foundation at Toyota Foundation.
Kyoto Review of Southeast Asia Issue 10 (August 2008)
Adres: Institute of Southeast Asian Studies
Sun Yat-sen University
135 Xingangxi Rd., Guangzhou 510275
P. R. China
Telepono: 86-20-84113275
Email: hsisas@zsu.edu.cn
Websayt: www.gms.sysu.edu.cn
Kyoto Review of Southeast Asia
Issue 10 (August 2008)
© Center for Southeast Asian Studies, Kyoto University
KYOTO REVIEW OF SOUTHEAST ASIA GRATEFULLY ACKNOWLEDGES THE SUPPORT OF THE TOYOTA FOUNDATION.
Designed and developed by SQUEAKYSTUDIOS for CSEAS
click to download PDF