Research School of Southeast Asian Studies

Xiamen University



volume 10

english    japanese    chinese    indonesian

THIS ISSUEKyotoreviewvol10.htmlhttp://www.kyotoreviewsea.org/Issue_10/TOC.htmlshapeimage_1_link_0
CSEAShttp://www.cseas.kyoto-u.ac.jp/index_en.htmlhttp://www.cseas.kyoto-u.ac.jp/index_en.htmlshapeimage_2_link_0

NEWS

ARCHIVESArchives.htmlhttp://livepage.apple.com/shapeimage_3_link_0

PDF

COMMUNITYhttp://www.kyotoreviewsea.org/cmshttp://www.kyotoreviewsea.org/cms/shapeimage_4_link_0
 



Ang Research School of Southeast Asian Studies (Nanyang Research Institute) ay itinatag sa Xiamen University noong 1956, at sa gayon ay tumatayong pinakaunang institusyong pampananaliksik sa Tsina hinggil sa Timog-silangang Asya.  Nakatuon ang Instityut sa pag-aaral sa pulitika, ekonomya, relasyong internasyunal, kasaysayan, at mga usaping kaugnay ng etnikong Tsino sa Timog-silangang Asya.  Mula sa Instityut, itinatag noong 2000 ang Center for Southeast Asian Studies, na nag-iisang pambansang base ng pananaliksik sa Timog-silangang Asya na nakapailalim sa Ministro ng Edukasyon ng Tsina.


Sa unang sampung taon nito, malalalaking tagumpay ang nakamit laluna sa pananaliksik hinggil sa mga etnikong Tsino sa Timog-silangang Asya.  Sa pamamagitan ng pagsusumikap sa field study at malawak na pakikipanayam sa mga nagbalik na Tsino mula sa ibayong-dagat, nakakolekta ng maraming materyal hinggil sa pamumuhunan ng mga Tsino sa ibayong-dagat at iba pang uri ng ugnayan sa pagitan ng Punong-lupa at mga manggagawang Tsino sa Timog-silangang Asya.


Kabilang sa tatlumpu’t tatlong empleyado ng Instityut ang dalawampu’t apat na mananaliksik.  Maliban sa aklatan, tanggapang administratibo at tanggapan para sa pagsasalin, ang Instityut ay mayroong apat na Dibisyon sa Pananaliksik.  Ang Dibisyon sa Pananaliksik sa Pulitika at Ekonomya ay nakatuon sa mga usaping pang-ekonomya, pulitikal, at panlipunan sa Timog-silangang Asya, at maging sa kaunlarang pang-ekonomya at pagtutulungan sa rehiyon ng Asya-Pasipiko.  Ang Dibisyon sa Pananaliksik sa Tsino sa Ibayong-dagat ay nakatuon sa kasaysayan, mga bagong kaganapan, at pag-unlad ng mga etnikong Tsino sa Timog-silangang Asya.  Ang pangunahing interes ng Dibisyon sa Pananaliksik sa Kasaysayan ay ang kasaysayan ng relasyon sa pagitan ng Tsina at Timog-silangang Asya at kasaysayan ng Timog-silangang Asya.  Ang Dibisyon sa Relasyong Internasyunal ay nakatuon sa pag-aaral sa relasyong internasyunal sa rehiyon at iba pang bahagi ng daigdig.  Nagsasagawa rin ang Instityut ng maraming proyektong pananaliksik sa agham panlipunan sa pambansa at panlalawigang antas.  Dagdag pa, nag-aalok ito ng mga programa ng pagsasanay para sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan at nagbibigay ng serbisyo bilang tagapayo sa ilang mga kagawaran at institusyon ng pamahalaan.


Sa usapin ng mga programang pang-edukasyon, nag-aalok ang Instityut ng tatlong programang pang-doktorado (kasaysayan, pandaigdigang ekonomya, at relasyong internasyunal) at anim na konsentrasyon sa antas na masterado: mga ekonomya ng ASEAN, development economics, kasaysayan ng Timog-silangang Asya, kasaysayan ng relasyon sa pagitan ng Tsina at Timog-silangang Asya, kasaysayan ng mga Tsino sa ibayong-dagat, at relasyong internasyunal sa Timog-silangang Asya.  Mayroon din itong programang pang-batsilyer sa relasyong internasyunal.


Matapos ang limampu’t dalawang taon, ang aklatan ay nakaipon ng malaking koleksyon na binubuo ng 40,000 aklat, 10,000 na monograp sa mga ispesipikong paksa, 10,000 na tinipong peryodiko at 20,000 na tinipong pahayagan.  Itinuturing ito bilang isa sa pinakamahusay na koleksyon sa Tsina hinggil sa Timog-silangang Asya.


Naglalathala ang Instityut ng dalawang peryodiko na lumalabas apat na beses sa isang taon: ang Southeast Asian Affairs at Southeast Asian Studies (A Quarterly Journal of Translations).  Ang una ay naglalaman ng mga artikulo na ang karamihan ay mula sa mga mananaliksik na Tsino samantalang ang pangalawa ay naglalaman ng mga isinalin na tesis at sistematikong materyal mula sa ibayong-dagat hinggil sa Timog-silangang Asya at Asya-Pasipiko.


Ang akademikong pagpapalitan sa pagitan ng Instityut at mga institusyong akademiko sa ibang bansa ay malaki ang iniunlad mula dekada 1980 sa pamamagitan ng pagpapalitan ng iskolar at paglulunsad ng mga internasyunal na kumperensyang pang-akademiko.




Kyoto Review of Southeast Asia Issue 10 (August 2008)

Telepono at Fax: 86-592-2186414

E-mail: nanyang@xmu.edu.cn

Websayt: http://nanyang.xmu.edu.cn

Adres: Research School of S.E. Asian Studies

Xiamen University

Xiamen, China

Kyoto Review of Southeast Asia
Issue 10 (August 2008)

© Center for Southeast Asian Studies, Kyoto University

KYOTO REVIEW OF SOUTHEAST ASIA GRATEFULLY ACKNOWLEDGES THE SUPPORT OF THE TOYOTA FOUNDATION.

Designed and developed by SQUEAKYSTUDIOS for CSEAS

click to download PDF